Tinututulan ng Lawyers for Commuters Safety and Protection ang tila pag e-eksperimento ng Department of Transportation (DOTr) sa ating mga pampublikong transportasyon.
Matatandaang ipinatupad ng DOTr ang pagpapaikli sa physical distancing ng mga pasahero mula sa 1-meter sa .75 meters.
Ayon kay Atty Ariel Inton, pinuno ng Lawyers for Commuters Safety and Protection, mismong ang Department of Health (DOH) na ang nagsabi na kung ito ay ipagpapatuloyay posibleng 300 to 1,000 na kaso ng COVID-19 ang madagdag sa maiitalang kaso kada araw.
Ikinababahala rin ni Atty. Inton na napakadelikado ang ginagawang pag e-experimento ng DOTr dahil buhay ng pasahero ang nakataya
Samantala, nagpapasalamat naman sila na sa ngayon ay muling ibinalik sa isang metro ang physical distancing sa public transport.