Pansamantalang ipapatigil ng indonesia ang pag-eexport ng face masks kasunod ng tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Trade Minister Agus Suparmanto, sisiguraduhin muna nilang sapat para sa kanilang mamamayan ang face masks bago sila mag-export muli.
Tumaas na rin kasi aniya ang presyo ng face masks at hand sanitizers sa ilang lugar sa kanilang bansa dahil maraming mamamayan na rin ang namili bilang stocks.
Sa ngayon, 34 na ang kaso ng COVID-19 sa indonesia at isa na ang namatay.
Facebook Comments