Pag-etsapuwera sa health protocols sa Manila Bay white beach, ikinadismaya ng NTF

Ikinadismaya ng National Task Force against COVID-19 ang kabiguan ng mga awtoridad na ipatupad ang health protocols nang buksan sa publiko ang Manila Bay at ang synthetic white sand beachfront nito sa Roxas Boulevard.

Ayon kay NTF Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr., mahalagang iniiwasan ang mga ganitong sitwasyon dahil hindi makokontrol ang pagdumog ng mga tao.

Pinayuhan nila ang Local Government Unit (LGU) na mahigpit na ipatupad ang minimum health standards para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 cases sa mga komunidad.


Pagtitiyak ni Galvez na hindi na ito mauulit pa.

“We will make sure that it will not happen again,” ani Galvez.

Nabatid na agad na ipinasara ang lugar matapos ang dalawang araw na pagpapasinaya nito sa publiko.

Agad ding nagpakalat ng mga pulis sa lugar para maiwasan ang pagkukumpol muli ng mga tao.

Facebook Comments