Pag-export ng karne ng baboy at baka sa Japan, pasok na sa health and safety standards

Aprubado na sa health and safety standards ng Ministry of Health, Labour and Welfare of Japan (MHLW) ang pag-eexport ng baboy at baka sa Japan ayon sa National Meat Inspection Service (NMIS).

Ayon kay NMIS Executive Director Jocelyn Salvador, nangangahulugan itong pinagkakatiwalaan na ng Japan ang Manila Certification System ng bansa.

Ang MHLW ay isa sa mga bansang nagpapatupad ng Hazard Analysis and Critical Control Point (HACCP).


Aabot naman sa 340 toneladang karne ang nai-export ng bansa sa Japan na nagkakahalaga ng higit isang milyong dolyar nitong nakaraang taon.

Facebook Comments