Tumaas ang demand ng saging ng Pilipinas sa labas ng bansa sa gitna ng nararanasang global pandemic.
Sa virtual presser sa DA,sinabi ni Alberto Bacani, Chairman ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association na dahil sa nararanasang pandemya, naging health conscious ang mga mamamayan ng mga bansa na gustong magpalakas ng immune system.
Ani Bacani, tumaas ang pag-export ng Pilipinas ng cavendish variety noong 2020 sa mga bansang Japan at China.
Gayunman, nagkaroon ng downward trend sa presyuhan ng saging dahil nagluluwas din ng katulad na produkto ang Vietnam at Cambodia na malapit lang sa China.
Sa ngayon ay pumapangalawa ang Pilipinas sa pangunahing exporter ng saging sa buong mundo.
Noong 2019 ay nakuha ng Pilipinas ang 13 percent o double o katumbas ng $1.9-B na halaga ng global market.
Sa ngayon, ang Ecuador ang number one exporting country sa saging.
Pumapangatlo ang Columbia at sinusundan ng Costa Rica at Guatemala.