Kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang pag-gamit ng New Peoples Army (NPA) ng child soldier.
Naglabas ng statement ang CHR kasunod ng pagkakapatay ng 16 na taong gulang na miyembro ng NPA noong December 2 sa Gingoog City.
Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline de Guia,Hindi raw nabibigyan ng katwiran ang nakagawiang ito na paggamit ng mga kabataan sa digmaan.
Sa ilalim ng International Human Rights and Humanitarian Law, kahit na mga non-state armed groups ay dapat igalang ang pagbabawal na magrekrut at gumamit ng mga bata sa armadong labanan at karahasan.
Nagpaalala ang CHR sa lahat ng armed groups na ang paggamit ng mga child warrior ay bumubuo ng krimen sa giyera.
Aniya ang kapakanan at karapatan ng kabataan ay dapat mapangalagaan sa lahat ng oras .
Ang paglalagay ng mga bata sa mga imperyal na larangan ng digmaan ay naglalagay lamang sa panganib ang kani ilang buhay.
Kapag nakaligtas naman sila sa armed encounters, habang buhay na rin nilang dadalhin ang psychological and mental impact.
Una nang kinilala ng militar ang childwarrior ng NPA na napatay sa labanan ng 23rd Infantry Battalion sa Barangay Malinao, Gingoog City na si Litboy Talja Binongcasan, isang Grade Six pupil.