Maituturing na generally peaceful ang pag-gunita sa araw ng mga manggagawa o Labor Day kahapon ayon sa Philippine National Police.
Paliwanag ni PNP Chief Police General Debold Sinas, walang naitalang untoward incidents kahapon sa gitna ng pagsasagawa ng mga kilos protesta ng iba’t ibang grupo.
Ayon kay Sinas, nasa 1,850 indibidwal ang lumahok sa mga rally habang 10,366 na pulis naman ang kanilang idineploy para matiyak na nasusunod pa rin ang health protocols laban sa COVID-19.
Nagtapos ang mga kilos protesta ala-1 ng hapon kahapon na dinaluhan ng mga progresibong grupo kagaya ng Kilusang Mayo Uno (KMU), Anakpawis, Bayan Muna, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at Pamalakaya.
Facebook Comments