DILG, nag-endorso na kay Pangulong Rodrigo Duterte ng posibleng susunod na PNP chief

Nag-endorso na ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kay Pangulong Rodrigo Duterte ng posibleng papalit bilang pinuno ng Philippine National Police.

Ito ay sa gitna ng nalalapit na pagreretiro ni PNP Chief General Debold Sinas sa kaniyang kaarawan sa darating na Mayo 8.

Ayon kay Interior Undersecretary Jonathan Malaya, bagama’t nagbigay sila ng rekomendasyon ay nasa pangulo pa rin ang huling desisyon kung sino ang susunod na mamumuno sa hanay ng mga pulis.


Aniya, kwalipikado ang sinumang opisyal ng pulis na may ranggong police brigadier general para magsilbi bilang ika-26 na pinuno ng pambansang pulisya.

Facebook Comments