Umapela si Senate Committee on Health Chairman Senator Christopher “Bong” Go kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa mga kinauukulang ahensya ng gobyerno na ituloy ang pag-hire ng 15,000 contact tracers mula August 2 hanggang December 31.
Ayon kay Go, sana ay magawan ng paraan ang aabot sa ₱1.7 billion na magagastos sa pag-hire ng 15,000 contact tracers hanggang sa Disyembre.
Binigyang diin ni Go ang kritikal na tungkulin ng mga contact tracers sa panahon ng pandemya at tulong din ito para sa mga nawalan ng trabaho.
Giit ni Go, mahalagang bahagi ng COVID-19 response ang contact tracing at case investigation lalo na sa pag-detect agad ng mga suspected, probable at confirmed COVID-19 cases.
Dagdag pa ni Go na dapat ay patuloy ring madagdagan ang kapasidad ng mga healthcare facilities at higit sa lahat ay mas dapat pabilisin ang pagbabakuna.