Pag-hiwalay ng Marines sa Philippine Navy, ayaw ng bagong FOIC-PN

Hindi gusto ng bagong talagang Flag Officer in-Command ng Philippine Navy (FOIC-PN) na si Rear Admiral Giovanni Carlo Bacordo na humiwalay ang Philippine Marines sa Philippine Navy.

Ayon kay Bacordo, sadyang “magkarugtong sa bituka” ang Navy at ang Marines kaya “less effective” isa kung wala ang isa.

Paliwanag ni Bacordo, ang pagkakaiba ng Marines sa Navy, ang Navy ay lumulusob mula sa karagatan at para magawa nila ito ay kailangan nila ang fleet ng Navy.


Kinukunsidera naman aniya ng Navy ang Marines bilang kanilang pwersa para ma-control ang dalampasigan, kaya importante na manatiling magkasama ang Navy at Marines.

Ang pagtutol ni Bacordo sa paghiwalay ng Marines sa Navy ay pareho ng posisyon ng kanyang pinalitang si dating Navy FOIC Vice Admiral Robert Empedrad.

Matatandaang naging isyu ang maagang pagbibitiw sa pwesto ni dating Philippine Marines Commandant Alvin Pareño noong Oktubre 2019 dahil umano sa hindi pagkakaintindihan nila ni Empedrad sa pagnanais ng Marines na humiwalay sa Navy.

Facebook Comments