Round-the-clock shifts, ipatutupad sa mga binuksang virtual offices ng Pag-IBIG sa US, Europe, Middle East at Singapore

Tiniyak ni Pag-IBIG Fund CEO Acmad Moti na magpapatupad sila ng round-the-clock shifts sa mga binuksan nilang virtual offices sa abroad.

Partikular sa US, Canada, United Kingdom, Ireland, United Arab Emirates, Kuwait at Singapore.

Layon ng round-the-clock operation na maserbisyuhan ang overseas Filipinos saan mang dako ng mundo sila naroon.


Ito ay sa pamamagitan ng kanilang team mula sa Pilipinas na siyang uupo sa bawat shift.

Ayon pa kay Moti, magiging accessible ang kanilang virtual offices via e-mail at Facebook.

Sa pamamagitan ng smartphone at internet connection, maaari nang makipagtransaksyon sa Pag-IBIG Fund online ang kanilang mga miyembrong overseas Filipinos.

Facebook Comments