Kinumpirna ng Pag-IBIG Fund ang kanilang nakamit na 31.18-billion pesos na net income sa nakalipas na taon.
Ito ay sa kabilang ng paghina ng ekonomiya ng bansa bunga ng COVID-19 pandemic.
Sa kanilang 2020 Pag-IBIG Fund Chairman’s Report, inihayag ni Secretary Eduardo del Rosario na siyang pinuno ng Department of Human Settlements and Urban Development at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees na ito na ang ikat-apat na taon na nahigitan nila ang 30-billion pesos na target na net income
Patunay lamang aniya ito na nama-manage ng maayos ng Pag-Ibig Fund ang pondo ng mga manggagawa.
Bilang pagsuporta naman sa panawagan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa government agencies na dagdagan pa ang pagbibigay ng social benefits sa mga Pilipino, inanunsyo ng Pag-IBIG na sila ay magbibigay ng P29.40 billion o 94% ng kanilang net income, sa mga miyembro nito sa pamamagitan ng dividends.