Harapang Nietes at Penalba, kasado na sa Abril

Matapos ang halos dalawang taon, muling sasampa sa ring si Donnie Nietes kontra kay Panamanian Orlando Penalba sa April 3 sa Caesars Palace sa Dubai.

Sa edad na 38, umaasa si Nietes na may natitira pa siyang lakas upang makakuha ng panibagong world title.

Sa ngayon, hawak ni Nietes ang record na Pinoy four-division world champion na 42-1-5, 23 by knockout.


Habang naka-rank ang wala pang talo na si Penalba bilang World Boxing Organization (WBO) No. 13 contender at No. 15 naman sa World Boxing Association.

Matatandang December 2018 pa huling lumaban si Nietes kontra kay Japanese Kazuto Ioka para sa WBO super flyweight belt.

Facebook Comments