Inanunsyo ng Pag-IBIG Fund na umabot ng halos P35 billion ang naitala nilang net income sa nakalipas na taon.
Sa ginanap na Pag-IBIG Fund Chairman’s Report , iniulat ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy Moti na ito na ang ika-limang taon na nakapagtala sila ng mahigit P30 billion na net income.
Ito ay sa harap ng patuloy na pandemic na nararanasan sa buong mundo.
Kinumpirma rin ni Moti na ang naitalang net income sa taong 2021 ay mas mataas ng 9.5% sa P31.71 billion net income ng Pag-IBIG Fund noong 2020.
Ayon naman kay Secretary Eduardo del Rosario ng Department of Human Settlements and Urban Development at kasapi ng 11 member ng Pag-IBIG Fund Board of Trustees, ang kanilang mga miyembro ang pangunahing mabibiyayaan nito sa kanilang ibibigay na dibidendo.