Manila, Philippines – Hindi dapat ikadismaya ang pagpagpalit ng focus ngayong taon ng Balikatan exercises.
Ito ang sinabi ni Lt. Gen. Lawrence Nicholson, ng US marine corps, commander ng 3rd marine expeditionary forces at co-director ng Balikatan 2017.
Nabatid na ngayong taon kasi, humanitarian and disaster reponse ang sentro ng mga aktibidad kumpara noong nakalipas na mga taon na maritime and defense training exercises.
Ayon kay Nicholson, importante sa mga bansa ang pagtugon sa mga sitwasyong dala ng matinding pinsala ng kalamidad.
Marami pa aniyang dapat matutunan ang kanilang tropa mula sa mga sundalong Pilipino na likas na sanay sa pagharap sa mga sitwasyong dala ng hagupit ng kalikasan dahil na rin sa pagiging patok ng Pilipinas sa malalakas na bagyo.
Sabi pa nito, inaasahan naman nilang mag-iiba-iba ang focus ng balikatan sa mga susunod pang taon.
Sa kabila nito ay nakatitiyak sila na magiging produktibo ito at magre-resulta sa mahusay na team building at kooperasyon sa pagitan ng kanilang tropa at ng mga sundalong Pilipino.
DZXL558