Manila, Philippines – Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahihirapan ang Commission on Human Rights na ipatawag ang mga sundalo at mga pulis para imbestigahan sakaling ireklamo ang mga ito ng paglabag sa krapatang pantao.
Ito ang sinabi ni Pangulong Duterte sa harap narin ng ilang sumbong na lumalabag umano ang mga sundalo at pulis sa human rights karabay narin ng operasyon ng mga ito sa Marawi City para labanan ang mga terorista doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung mayroong gustong ipatawag ang CHR na mga sundalo o mga pulis ay sakanya dapat idaan ang request at siya ang magdedesisyon kung papaya siya o hindi.
Bago aniya siya pumayag ay dapat aniyang imbestigahan ng CHR ang pananambang ng NPA sa mga tauhan ng Presidential Security Group sa Cotabato para maging patas ang lahat kahit pa trabaho ng mga ito na imbestigahan ang mga nasa gobyerno lamang.
Nabanggit pa ng Pangulo na mas magandang buwagin nalang ang Commission on Human Rights.
Pag-iimbestiga ng CHR Sa mga sinasabing paglabag sa karapatang pantao ng mga sundalo at pulis sa Marawi City dadaan sa butas ng karayom
Facebook Comments