Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Office of the Executive Secretary na hindi naman kailangan talagang magpaalam ng Commission on Human Rights kay Pangulong Rodrigo Duterte para imbestigahan ang mga Miyembro ng Philippine National Police na kabilang sa operasyon sa pagsisilbi ng search warrant kay Osamis City Mayor Reynaaldo Parojinog na nauwi sa pagkakapatay dito at sa 14 na iba pa.
Ito naman ay sa harap ng nating pahayag ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo na dapat dumaan sa kanya ang anomang imbestigasyon sa kanyang mga tauhan o sa mga miyembro ng PNP at ng Armed Forces of the Philippines.
Ayon kay Senior Deputy Secretary Menardo Guevarra, Abogado at naging piskal si Panglong Duterte kaya alam ng Pangulo ang hangganan ng kanyang kapangyarihan.
Paliwanag pa ni Guevarra, bahagi lamang ito ng makulay na pananalita ni Pangulong Duterte at sinabi ito ng Pangulo bilang Commander in Chief kung saan gusto lang ng Pangulo na malaman kung iimbestigahan ang kanyang mga tauhan.
Pag-iimbestiga ng CHR sa pagkamatay ni Mayor Parojinog, hindi na kailangang dumaan kay Pangulong Duterte
Facebook Comments