Pag-iimbestiga ni PAO Chief Atty. Persida Acosta sa Dengvaxia vaccine – inirerespeto ng Malacañang

Manila, Philippines – Inirerespeto ng Malacañang ang pag-iimbestiga ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Acosta sa Dengvaxia vaccine.

Ito’y makaraang magturuan si Acosta at si Health Sec. Francisco Duque III sa isyu ng tigdas outbreak.

Matatandaang sinisi ni Duque si Acosta dahil na rin sa isyu ng dengvaxia pero giit ng PAO Chief, ang outbreak ay bunga ng kapabayaan ng DOH sa pagsasagawa ng information drive tungkol sa kahalagahan ng iba pang bakuna.


Tiniyak naman ni Communications Sec. Martin Andanar na mananagot ang nasa likod ng palpak na implementasyon at itinuturong sanhi sa pagkamatay ng maraming bata.

Samantala, paiigtingin na rin ng gobyerno ang pagpapatupad sa republic act 10152 o ang mandatory infants and children health immunization act of 2011.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles – sa ilalim nito, obligado ang gobyerno na mamahagi ng libreng bakuna sa lahat ng mga public hospital at health centers.

Ang hakbang na ito ay para maiwasan ang pagtaas pa ng kaso ng tigdas sa bansa.

Facebook Comments