Pag-iimbestiga sa mga bank employees na posibleng sangkot sa Rent Sangla Scam, hindi na pakikialaman ng PNP

Manila, Philippines – Ipinauubaya na ng Philippine National Police (PNP) sa mga bangko ang pag-iimbestiga kung may mga empleyado silang sangkot sa Rent Sangla Scam.

 

Ayon kay Police Senior Inspector Jem Delantes ng PNP HPG Task Force Limbas, nakipagpulong na sila sa mga opisyal ng Joint Anti-Bank Robbery Coordinating Council o  at Bank Security Managers Association of the Philippines o BSMA para sa kanilang internal investigation.

 

Sa ngayon, hinihintay pa nila kung ano ang resulta ng imbestigasyon ng mga ito.

 

Ang mga grupong ito aniya ang tutukoy kung mayroon talagang mga empleyado na sangkot sa Scam.

 

Itututok aniya nila ang imbestigasyon sa kung paano nakakuha ng car loan sa mga bangko at financial institutions kahit na ang mga walang kakayahang magbayad ng buwanang hulog para sa sasakyan.

 

Sa ngayon ay may 604 na sasakyan ang napasakamay ng HPG at 264 na ang kanilang nang nai-release.

Facebook Comments