Ang National Bureau of Investigation o NBI na nga ang nag-iimbestiga ngayon sa mga dokumento na may kaugnayan sa ginawang pagbili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ng mga laptop para sa Department of Education (DepEd).
Ito ay matapos na ipasa na ito ng PS-DBM sa NBI.
Maging ang iba pang mga dokumento at kontrata na pinasok ng PS-DBM sa mga nakaraang taon na nasa ilalim ng findings ng Commission on Audit (COA).
Ayon sa bagong executive director ng PS-DBM na si Dennis Santiago, ayaw nilang magkaroon ng pagdududa kaya maiging ibigay sa isang highly competent investigation authority tulad ng NBI ang mga dokumento para sa isang patas, at independent na imbestigasyon.
Makabubuti na aniyang ang NBI ang humawak sa mga dokumento para makatutok na rin aniya ang kanilang mga empleyado sa trabaho.
Una nang sinita ng COA ang mamahaling laptops na binili ng PS-DBM para sa DepEd na maliban sa luma o outdated ay mabagal pa.