PAG-IIMPORT NG ISDA SA PINAS, ITINUTURING NA ‘NEGOSYO’ AYON SA PAMALAKAYA

‘Isang Negosyo’ umano ang naging desisyon ng kasalukuyang Agriculture Secretary ukol sa Pag iimport ng isda upang punan ang food security sa bansa.

Ayon kay PAMALAKAYA Pilipinas Chairman, Andy Hicap, hindi umano sinasalamin ng nakatakdang pag-import ng 25,000 MT na isda sa pinas ang pagpapatag o pagpapaunlad ng kanilang sektor upang maging stable at self-reliant ang bansa.

Dagdag pa ni Hicap, matagal na umano nila itong suliranin at tila walang nababago sa sistema ng kalakalan nito.

Pagkukuwestyon din nito na malaking parte ng ating bansa ang pwedeng pagkunan ng isda.

Gayunpaman, ang rason ng pamahalaan ay nakaangkla pa rin sa mga epekto ng nagdaang mga bagyo na lubhang nakaapekto sa sektor ng pangingisda.

Sinabi rin nito na hindi lang umano sektor ng pangingisda ang apektado, kundi pati na rin ang sektor ng bigas, gulay at karne.

Samantala, inilahad naman ng ilang lokal na mangingisda na hindi umano sila maapektuhan ng nakatakdang improtasyon dahil karamihan sa kanilang ibinebenta ay sila mismo ang nag-aalaga.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments