Sisimulan na ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta sa higit 91 milyong opisyal na balota na gagamitin para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa December 2022 sa Miyerkules, September 21.
Sa isang panayam, sinabi ni Comelec chairman George Garcia, inilipat nila ang pagsisimula ng printing na nakatakda sana kahapon, September 19 bunsod ng last-minute instructions mula sa National Printing Office (NPO).
Ayon kay Garcia, nakatakda pa lamang nilang lagdaan ang Memorandum of Agreement kasama ang NPO kung saan ilalagay pa nito ang secret marking sa mga balota.
Dagdag pa nito, susundin pa rin nila ang itinakdang schedule para sa December 5 election kahit gumugulong na sa kongreso ang pagpapaliban dito ng isang taon.
Tinatayang nasa higit 67 million ballots ang nakatakdang maimprenta para sa barangay voters at higit 24 million ballots para sa SK voters.