PNP, walang naitalang nasawing pulis sa 1,790 operations nito ngayong buwan

46

Good news dahil walang naitalang nasawi sa hanay ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang mga anti-drug operations sa unang 17 araw ng Setyembre.

Sinabi ni PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., nasakote ang aabot sa 1,952 drug suspects sa 1,790 na police operations mula Setyembre 1 hanggang 17.

Nagresulta ito sa pagkakakuha ng aabot sa 67.8 kilo ng shabu, 194 kilos ng marijuana products, at 701,000 fully-grown marijuana planets.


Sa kaparehas na panahon, naka-aresto rin ang PNP ng 3,142 wanted persons kabilang dito ang pitong indibidwal na kabilang most wanted list.

Samantala, nakapagtala naman ang PNP ng isang suspek na nasawi sa kasagsagan ng operasyon habang 32 namang iba pa ang kusang sumuko sa mga otoridad.

Facebook Comments