Inaasahang matatapos ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-iimprenta sa mga balota, isang linggo bago ang kanilang deadline.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez , higit isang buwan pa bago ang deadline pero natapos na nila ang pag-iimprenta sa halos 50 percent ng kabuuang bilang ng mga balota.
Nauna nang natapos ng poll body ang mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting at sinisimulan na rin nila ang pagpapadala ng mga makina at balota doon.
Matatandaang higit 61-milyong balota ang kailangang maimprinta para sa Midterm Elections na target matapos sa April 25.
Facebook Comments