PAG-IINGAT SA PAGLANGOY NGAYONG PAPALAPIT NA TAG-INIT, PINAALALA NG DOH ILOCOS REGION

Pinaalalahanan ng DOH Ilocos Region ang publiko na pairalin ang ibayong pag-iingat sa paglangoy ngayong papalapit na ang tag-init upang maiwasan ang mga aksidente sa tubig.

Kaugnay nito, hinihikayat ang mga pamilya na sundin ang “5 B’s” para sa kaligtasan habang naliligo o lumalangoy.

Kabilang dito ang pagbabantay at hindi pag-iiwan sa mga bata habang nasa tubig, paggamit ng salbabida o angkop na flotation device, at pag-iwas sa pag-inom ng alak bago o habang lumalangoy.

Pinapayuhan din ang publiko na maglagay ng harang o barrier sa mga anyong tubig malapit sa bahay at takpan ang mga drum na maaaring pagmulan ng aksidente.

Bukod dito, binigyang-diin ng DOH ang bystander intervention kung saan dapat unahin ang sariling kaligtasan at gumamit ng panligtas o humingi ng tulong sa halip na agad lumusong sa tubig kapag may insidente ng pagkalunod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments