Pag-iingay sa umaga ng tandang na si Maurice, kinatigan ng korte

Image via AFP

May karapatan mag-ingay ang tandang na si “Maurice”.

Ito ang naging desisyon ng isang hukuman sa France matapos itong i-reklamo ng matandang mag-asawa dahil sa sobrang pag-iingay.

Matatandaang umabot hanggang korte ang akusasyon ng magkabiyak na lumipat sa tabi ng tirahan ng may-ari ng manok na si Corrine Fesseau.


Ayon kay Fesseau, mula nang ireklamo ng dalawa si Maurice, gumawa na siya ng samu’t-saring paraan para mapatahimik ito.

Sa nangyaring paglilitis, dumipensa ang may-ari ng hayop na sa tagal nilang nakatira sa lugar, walang ni-isang kapitbahay na nagreklamo sa kaniyang alaga maliban sa mga bagong salta.

Sa panayam ng Agence France-Presse sa abogado ni Fesseau, inihayag niyang pinagmumulta ng hukuman ang dalawa ng 1,000 euros bilang danyos-perwisyo.

(BASAHIN: Reklamong pag-iingay ng isang tandang, umabot sa hukuman)

Naging hot topic hanggang sa social media ang pagrereklamo ng ilang taga-siyudad na nag-desisyong manirahan sa probinsiya dahil sa kaingayan ng mga hayop sa paligid.

Kumalat din sa internet ang online petition na “Save Maurice” at pinirmahan ng mahigit 100,000 katao.

Facebook Comments