PAG-IISANG DIBDIB NG 37 MAGKASINTAHAN, ISINAGAWA SA JONES, ISABELA

Cauayan City – Opisyal na ang pag-iisang dibdib ng 37 magkasintahan mula sa Jones, Isabela matapos ang isinagawang Mass Wedding Ceremony kahapon, ika-17 ng Pebrero.

Ang Libreng Kasal ay hatid ng LGU Jones bilang bahagi ng selebrasyon ng ika-35 Anibersaryo ng Civil Registration Month.

Pinangunahan ng alkalde ng Jones na si Hon. Nhel Montano ang pag-iisang dibdib ng mga magkasintahan, kung saan personal ring dumalo ang iba pang opisyal ng Jones, at ang Chief Statistical Specialist ng PSA Isabela na si Julius Emperador upang tunghayan ang sagradong seremonya.


Samantala, kasabay ng Mass Wedding Ceremony ay ang pamamahagi ng LGU Jones ng P3,000 bilang cash gift sa mga bagong Kasal.

Facebook Comments