PAG-IISIPAN MUNA | Plano ni BuCor Chief Faeldon na mag-leave, pag-aaralan ng DOJ

Manila, Philippines – Kinumpirma ni DOJ Spokesman Usec. Markk Perete na nagpahiwatig magresign si Bureau of Corrections Director General Nicanor Faeldon kapag napatunayan ang pagkakasangkot ng kanyang anak sa illegal drugs.

Kinumpirma rin ni Perete na nagpasabi si Faeldon na maghahain muna ito ng leave of absence habang ini-imbestigahan ng mga otoridad ang pagkakasangkot ng kanyang anak sa iligal na droga.

Ayon kay Perete, ina-abangan din nila ang resulta ng imbestigasyon ng mga otoridad sa kaso ni Nicanor Faeldon Jr.


Nilinaw naman ni Perete na pag-aaralan muna ng DOJ ang plano ni Faeldon Sr. na mag-leave bilang BuCor chief.

Sa kabila nito, kumpiyansa naman ang DOJ na hindi makaka-apekto sa pananatili ni Faeldon sa BuCor, ang integridad ng ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments