Pag-iisyu ng travel pass, hindi na dapat ipagawa sa PNP

Hinilling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Inter-Agency Task Force (IATF) na tanggalin sa trabaho ng Philippine National Police (PNP) ang pag-iisyu ng travel pass.

Diin ni Recto, mas maraming importanteng responsibilidad na dapat gampanan ang mga pulis.

Dagdag pa ni Recto, kulang na rin ang mga tauhan sa mga istasyon ng pulis at kailangan din nilang magbantay sa mga quarantine checkpoint.


Binanggit pa ni Recto na tumutulong din ang mga pulis sa pamamahagi ng second wave ng ayuda para sa mga mahihirap na apektado ng pandemya.

Giit ni Recto, dapat ay sapat na ang medical certificate mula sa public health doctor sa halip na humingi pa ng travel pass sa mga otoridad.

Facebook Comments