Pag-imbestiga sa umano’y maling resulta ng swab test samples ng PRC, iniatas ni Pangulong Duterte sa DOH

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Department of Health (DOH) na imbestigahan ang umano’y “false positives” COVID-19 test na ginawa ng Philippine Red Cross (PRC).

Sa Talk to the Nation nito kagabi, sinabi ng pangulo na nakatanggap siya ng ulat na mali ang resulta ng swab test samples na iprinoseso ng PRC.

Muli naman nitong binanatan si Senator Richard Gordon at sinabing patas lamang na imbestigahan ang PRC dahil sa pangingialam nito sa isyu ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.


Sa ngayon, kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III na natanggap na nila ang direktiba mula sa pangulo at tiniyak na agad na itong iimbestigahan sa pangunguna ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Facebook Comments