Tiniyak ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magpapatuloy ang pag-imprenta nila ng Philippine Identification (Phil-ID) cards kahit ngayong holiday season.
Sa ngayon, mahigit 4.4-million na mga Pilipino na ang nakakuha ng kanilang national ID.
Habang nasa 50 million Filipinos na ang nakakumpleto ng ikalawang step ng registration.
Sa ilalim ng Republic Act No. 11055 o ang Philippine Identification System (PhilSys) Act, ang Phil-ID ang magiging valid proof of identity na siyang tatanggapin sa lahat ng government at private sector transactions.
Ang Philippine Statistics Authority naman ang lead agency sa national ID project.
Facebook Comments