93% ng mga pilipino, sasalubungin ang bagong taon ng may pag-asa sa halip na takot

56

93% ng mga pilipino ang sasalubungin ang taong 2022 ng may pag-asa base sa survey na inilabas ng Social Weather Stations.

Mas mataas ito sa naitalang 91% noong taong 2020 ngunit nananatiling mababa kumpara sa 96% na naitala noong 2019 kung saan wala pang banta ng COVID-19.

Lumalabas din sa SWS survey na seven percent ng mga pilipino ang nagsasabing sasalubungin nila ang bagong taon ng may takot.


Kapareho rin ito sa naitalang datos noong taong 2020.

Isinagawa ng SWS ang survey noong Disyembre 12 hanggang 16 kung saan kinapanayam ang 1,440 adult filipinos mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments