
Sinimulan na ang pag-imprenta ng mga gagamiting balota para sa special elections sa pagkakongresista ng Antipolo City 2nd District.
Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nasa 252,793 na ballots ang kinakailangang maiprinta.
Kung saan sinabi ng pamunuan ng National Printing Office (NPO) na ang isang rolyo ng papel na kanilang ginamit sa pag-print ng balota ay kayang makapag-produce ng 80,000 hanggang 100,000 ballots sa loob lamang ng 40 minuto hanggang 1 oras.
Kaya inaasahan na matatapos ang pag-imprenta ng mga balota sa loob lamang ng isang araw.
Samantala, inaasahang isasagawa ang eleksyon sa March 14.
Kung saan nagsisimula nang mangampanya ang mga kumakandidato sa naturang posisyon.
Sa kabuuan, anim na lamang ang tumatakbo sa nabanggit na posisyon matapos na umatras sa pagkakandidato si LJ Sumulong.










