Pag-imprenta ng mga balota, aabutin hanggang kalagitnaan ng Abril

Manila, Philippines – Target ng COMELEC na matapos ang pag imprenta ng balota sa kaligtnaan ng Abril.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang pag-iimprenta ng balota sa National Printing Office.

Mahigpit na binabantayan ng Comelec ang mga server room na naglo-load ng ballot image file.


Una nang inilabas ng poll body sa kanilang website ang itsura ng balota para sa halalan sa Mayo.

Partikular na nakalagay sa comelec.gov.ph ang ballot faces at ang pangalan ng lahat ng national at local candidates.

Facebook Comments