MANILA – Natapos na ng National Printing Office (NPO) ang pag-imprenta ng mahigit 56 milyong balota na gagamitin sa halalan.Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, record breaking ang maagang pag-imprenta ng NPO na umabot lamang ng 49 araw habang 78 porsyento ng kumpleto ang verification process ng mga balota.Pinuri naman ni Presidential Communication Secretary Sonny Coloma ang Comelec dahil nalagpasan nito ang naunang rekord noong 2013 kung saan natapos ang pag-imprenta ng 52 milyong balota sa loob ng 57 araw.Dahil dito, kumpyansa si Coloma na mas matututukan na ng Comelec ang pagtitiyak ng maayos at nasa takdang oras na pagsasagawa ng national election sa bansa.
Facebook Comments