Pag-imprenta ng mga balota para sa Barangay at SK elections, tuloy na sa Biyernes

Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng mga balota na gagamitin sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa December 5.

Sa Biyernes, Septyembre 30 ay lalagda na ang COMELEC at ang National Printing Office sa Memorandum of Agreement para sa pag-imprenta ng mga balota.

Sinabi ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia na kailangan na nilang simulan ang printing ng mga balota para hindi sila kapusin ng panahon sakaling matuloy ang Barangay at SK elections.


Kailangan aniyang hanggang sa September 30 ay maipasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang kanselasyon ng eleksyon dahil magre-recess na ang mga mambabatas.

Facebook Comments