Lalaking sawi sa pag-ibig na nag-amok sa EDSA busway sa Pasay City, nailigtas ng I-ACT, PCG at MMDA

201

Napigilan ng mga tauhan ng InterAgency Council for Traffic (I-ACT), Pholippine Coast Guard (PCG), at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) makaraang mag-amok sa EDSA Busway Pasay City ang isang lalaking sawi umano sa pag-ibig, kaninang umaga, sa kalagitnaan mismo ng Pasay Taft Avenue Busway Station.

Pansamantalang naantala ang biyahe ng mga bus sa Northbound lane ng nasabing istasyon matapos pumasok sa mismong Busway ang lalaki na kalaunay nagwawala at inaawat umano ng kanyang dating kasintahan sa kanto ng Cuneta Avenue, Pasay City.

Agarang nilapitan ito ng mga operatiba ng I-ACT, PCG, at MMDA upang hindi tuluyang madisgrasya sa kalsada.


Isang mahigpit na yakap mula sa lalaki ang sinalubong ng isang operatiba na tila naghahanap ito ng kakamping mapaglalabasan ng sama ng loob dahil habang nakayakap, napaiyak at pasigaw na nagsumbong ito na niloko umano siya ng kanyang dating kasintahan.

Pilit siyang pinapakalma ng mga operatiba ng I-ACT, MMDA at PCG ngunit nag-iba ang ihip ng hangin at hindi pala ito ang gusto ng lalaki at upang mailabas umano ang kanyang sama ng loob sa panloloko ng kanyang naging nobya, bigla na lamang nitong itinulak at hinamon ng suntukan ang isa sa mga operatiba.

Mabilis naman nakailag sa suntok ang mga ito sabay pigil sa lalaki pero hindi pa rin siya napigil maglabas ng sama ng loob kahit pinakapakalma na siya ng dating nobya.



Agaran din nakaresponde ang mga operatiba ng Pasay City Police at dinala ang magkasintahan sa Pasay Community Precint 6 upang imbestigahan sa nagyaring insidente.

Facebook Comments