Pag-imprenta ng mga balotang gagamitin sa halalan, 50% nang tapos – Comelec

Manila, Philippines – Inaasahang matatapos ng maaga ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-imprenta ng balota para sa May 13 midterm elections.

Ito ay seven days ahead of schedule.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez – halos 50% nang tapos ng poll body ang ballot printing.


Ikinatuwa ni Jimenez na mabilis ang pag-iimprenta ng mga balota na mas maaga sa itinakdang deadline sa April 25, 2019.

Nabatid na nasa higit 61 million na balota ang kailangan para sa nalalapit na halalan.

Facebook Comments