Suspek sa brutal na pagpatay sa 16-anyos na babae sa Cebu, ikinukunsidera pa lamang na ‘person of interest’

3525

Nilinaw naman ng Police Regional Office 7 (PRO-7) na nananatiling “persons of interest” at hindi suspek si Jonas Buena sa kasong pagpatay sa dalagang si Christine Lee Silawan sa Cebu.

Si Buena ay naaresto ng mga awtoridad sa Davao City at iprinisinta kagabi.

Ayon kay PRO-7 Director, Chief Superintendent Debold Sinas – hindi nila makunsiderang suspek si Bueno sa pagpatay kay Silawan dahil wala silang ebidensya.

Pero inaalam na kung posibleng may koneksyon si Bueno sa pagpatay kay Silawan.

Si Bueno ay may standing arrest warrant dahil sa umanoy pagpatay sa isang magsasaka sa Danao City, Cebu noong Enero.

Facebook Comments