Pinaalalahanan ng Provincial Health Office ng Pangasinan ang mga Pangasinense na iwasan muna ang pag-inom ng kape ngayong summer season pati na ang iba pang inumin na mataas ang acid.
Ayon kay Dra. Anna Maria De Guzman ang PHO Chief ng Pangasinan, ang mga inuming ito ay mabilis magpataas sa temperatura ng katawan, na delikado sa kalusugan dahil sa init ng panahon na nararamdaman.
Nagpaalalala din ito sa publiko na iwasan ang paglabas tuwing alas dyes ng umaga hanggang alas tres ng hapon dahil ito ang mga oras na naitatala ang pinakamainit na temperatura.
Samantala, patuloy na pagpapaaalala ng ahensya sa publiko na uninom ng sapat na tubig at huwag ng hintaying mauhaw upang maiwasan ang dehydration. | ifmnews
Facebook Comments