LRT-2, magkakaroon ng maintenance shutdown sa Holy Week

36

Magsasagawa rin ng maintenance shutdown ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) sa April 13 o Holy Wednesday hanggang April 17 o Easter Sunday.

Ayon sa pamunuan ng LRT-2, pinaaga rin nila ng alas-8:00 ng gabi ang last trip mula Antipolo hanggang Recto at vice versa sa Martes, April 12.

Muli namang magbabalik operasyon ang LRT-2 sa April 18 ng alas-5:00 ng umaga.


Samantala, mayroong libreng sakay ang LRT-2 sa lahat ng mga Pilipinong beterano simula ngayong Martes hanggang ika-11 ng Abril bilang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan at Philippine Veterans Week.

Ang oras ng libreng sakay ay mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Kailangan lamang ipakita ng mga beterano ang kanilang Philippine Veteran’s Affair Office ID para makapag-avail ng libreng sakay.



Facebook Comments