Pag-inspeksiyon sa mga gagamiting VCM sa 2022 elections, sinimulan na ng COMELEC

Nagsimula na ang Commission on Elections (COMELEC) sa pag-inspeksiyon ng mga gagamiting Vote Counting Machine (VCM) para sa 2022 elections.

Mismong si COMELEC Chairman Sheriff Abas ang nanguna sa inspection para malaman kung ilang VCM ang kinakailangang sumailalim sa refurbishment.

Dito ay sinusuri kung anong makina ang mga kinakailangang palitan ng baterya, o iba pang parte ng VCM habang magkakaroon din ng mga diagnostic test sa bawat VCM.


Una nang inaayos ang 36,239 na VCM habang aabot pa sa 97,000 na machines ng COMELEC ang isasaayos ng Smartmatic.

Facebook Comments