Iniutos ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MMDRRMC) na inspeksyonin lahat ng government building at infrastructure sa Metro Manila matapos yanigin ng magnitude na 6.1 na lindol ang Zambales at malaking bahagi ng Luzon kahapon.
Sa isang memorandum, iniutos ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Danilo Lim, concurrent head of MMDRRMC, sa lahat ng concerned MMDRRMC member agencies at local disaster risk reduction and management councils na magsagawa ng inspeksyon na nakatuon sa integridad ng istruktura sa lahat ng government owned building sa Metro Manila.
Ang Inspection reports ay ipinasusumite bago mag ala 5:00 ng hapon sa MMDRRMC Secretariat ngayon araw.
Iniutos din ni Lim na magsagawa ng post-earthquake building inspection sa MMDA headquarters sa Makati City upang suriin kung ito ay nagtamo ng pinsala sa naganap na lindol kahapon.