Pinangangambahan ng grupong karapatan ang pag-iral ng De Facto Martial Law sa bansa.
Kasunod ito ng anila’y plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mas marami pang dating militar sa kanyang pamahalaan dahil naniniwala siya sa katapatan at kasipagan ng mga ito.
Ayon kay Cristina palabay, secretary general ng grupo parang de facto martial law na rin ang plano ng pangulo dahil tila pinasisikip nito ang demokratikong espasyo ng bansa.
Samantala, nauna nang sinabi ni Communist Party Of The Philippines (CPP) Founding Chairman Joma Sison na nasa ilalim na ng de facto martial law ang bansa.
Kasunod naman ito ng banta ni Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng revolutionary government kapag hindi tumigil ang kanyang mga kritiko sa paglaban sa polisiya ng administrasyon.
Sabi ni Sison, hindi na kailangan ang deklarasyon ng pangulo dahil matagal na niya itong ginagawa sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso sa mga kritiko ng pamahalaan at ang maraming pagpatay na itinatago sa war on drugs.
Samantala, isa ang grupong karapatan sa mga inakusahan ng AFP na legal front ng CPP-NPA.