Pag-isyu ng Drivers License, hihigpitan ng LTFRB

Mas hihigpitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pag-iisyu ng Drivers License.

Ito ay dahil nangunguna ang Human Factor sa dahilan ng mga aksidente sa kalsada.

Karamihan sa sanhi ng road crashes ay maling pag-overtake, maling pagliko, at overspeeding.


Ayon kay LTO Central Office License Department Head Richard Cortez, sa pagkuha pa lamang ng Student Permit ay hindi bababa sa 15 Hours ang seminar ng mag-a-apply.

Hindi na rin pwedeng mag-aral magmaneho sa kung saan-saan na lang.

Ang Driving Instructor ay dapat accredited ng LTO at may TESDA Certificate.

Sa bagong lisensya, tatanggalin na ang mga kategoryang ‘Professional’ at ‘Non-Professional’

Ang category na ilalagay ay mga sasakyang kayang imaneho ng driver.

Nag-usap na ang Lto at mga Driving Schools dahil sila ang magiging katuwang ng ahensya kapag ipinatupad na ang mga ito.

Para sa mga hindi kayang magbayad ng Driving School, magbibigay ng sariling training ang LTO sa mas murang halaga.

Facebook Comments