PAG-ISYU NG PLASTIC CARDS NG LTO, PANSAMANTALANG NAANTALA

Cauayan City- Pansamantalang natigil ang pag-isyu ng Land Transportation Office (LTO) ng plastic cards sa mga motorista sa Lungsod ng Cauayan.

Sa naging panayam ng IFM News Team kay Deo Salud, LTO District Head ng Cauayan, buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon ng maubos ang plastic cards sa kanilang opisina.

Dagdag pa niya, ngayong ika-15 hanggang ika-21 ng Pebrero ay nasa 11, 639 ang hindi nila nabigyan ng driver’s license card.


Hindi lamang sa Cauayan nakaranas ng pagkaubos ng naturang driver’s license card kundi maging buong Pilipinas ang nakakaranas nito at inaantay na lamang ang panibagong cards na ibibigay ng central office.

Sa kasalukuyan, lisensyang papel ang pansamantalang iniisyu ng LTO bilang valid na lisensya habang wala pang plastic cards.

Facebook Comments