Pag-lockdown sa Lungsod ng Cauayan, ‘Di Sagot sa Paglaban sa COVID-19- Mayor Dy

Cauayan City, Isabela- Hindi sagot at solusyon sa paglaban sa COVID-19 ang pagkakaroon ng lockdown mula sa barangay o syudad.

Ito ang inihayag ni City Mayor Bernard Dy sa kanyang public address kung saan nakita na aniya ito noong panahon na sumailalim ang Lungsod sa Enhanced Community Quarantine o ECQ.

Lumalabas aniya na pinaka epektibong paglaban at pagpigil sa pagkalat ng COVID-19 ay ang mahigpit at magaling na pagcocontact tracing at pag-isolate sa mga nakasalamuha ng nagpositibo.


Kanyang sinabi na kung mayroong dalawa o higit na nagpositibo sa virus sa iisang lugar ay ilalagay na sa 7days calibrated lockdown ang lugar kung saan magkakaroon na ng mahigpit na pagbabantay sa papasok at palabas sa purok ng COVID-19 positive patient.

Sinabi pa nito na magiging parte na ito ng ating buhay ngayong new normal dahil wala pang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang kinaharap na COVID-19 pandemic.

Mensahe ng alkalde sa lahat na walang dapat ipangamba sakaling may bagong magpopositibo sa COVID-19 sa Lungsod.

Facebook Comments