Pag may banta ng nCoV virus, Hamaka Festival sa Taytay, Rizal hindi na itutuloy

Tiniyak ni Taytay, Rizal Mayor Joric Gacula na hindi nila itutuloy ang pagdiriwang ng taunang Hamaka Festival sa kanilang bayan sakaling may malaking banta ng 2019 Novel Coronavirus Acute Resoiratory Disease (nCoV ARD).

Ayon kay Gacula, mas mahalaga ang buhay ng mga Taytayeños kesa magbakasakali bagama’t sinabi niya na maraming bayan din sa bansa ang may kahalintulad na selebrasyon ngunit itinuloy naman nila, maliban lamang sa Panagbenga Festival sa Baguio City.

Paliwanag pa ni Gacula na kinansela na niya ang mga school related activities upang maingatan ang mga estudyante lalo na at dadagsa ang mga bisita sa nasabing kapiyestahan.


Dagdag pa ng alkalde na kung sakaling dumating ang panahon na masasabi natin na nawala na yung agam-agam tungkol sa nCoV, madali umanong i-schedule ang activities, at ang pamahalaang bayan ng Taytay umano ay hindi naman tumitigil para proteksyunan ang kanilang mga constituents.

Ang Hamaka Festival ay isang linggong selebrasyon ng pasasalamat na magtatampok sa mga sikat na produkto ng Taytay tulad ng wood works, pananahi at disenyong kasuutan.

Facebook Comments