Pag-o-obliga muli sa paggamit ng face mask, mahirap na muling ipatupad ayon sa PHAPi

Mahihirapan nang ipatupad muli ang pag-o-obliga sa pagsusuot ng face mask.

Ito ang sinabi ni Dr. Rene de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines Inc., o PHAPi sa Laging Handa public briefing.

Ayon kay De Grano, mahihirapan nang makumbinsi ang mga tao para dito dahil tinanggal na.


Pero, kung sila aniya ang tatanungin, ipinapayo pa rin nila sa publiko na magsuot ng face mask lalo na sa mga itinuturing na high risked areas o matataong lugar na hindi kilala ang mga taong nakakasalamuha, at walang masyadong ventilation.

Nagsisilbi kasi aniyang pangunahing proteksyon sa sarili laban sa COVID-19 at iba pang sakit ang face mask.

Paliwanag pa ni De Grano sa mga ospital naman ay talagang nire-require pa rin nila ang pagsusuot ng face mask at hindi rin pinagtatagal ang bisita sa mga pasyente.

Nakahiwalay rin aniya ang COVID-19 area sa non-COVID cases.

Kaya hindi aniya dapat matakot o mabahala ang publiko sa pagpasok sa mga ospital para magpakonsulta o magpagamot.

Facebook Comments