China, tumutulong na rin sa paghahanap ng mga nawawalang tripulante ng lumubog na barko sa Indian Ocean kabilang na ang 5 Pinoy crew

Tiniyak ng Chinese Embassy sa Pilipinas na tumutulong na ang Chinese authorities sa paghahanap sa mga nawawalang tripulante ng lumubog na Chinese fishing vessel sa Indian Ocean.

Kabilang dito ang 5 Filipino crew, 17 Chinese at 17 Indonesians.

Ayon kay Chinese Ambassador Huang Xilian, ipinag-utos na mismo ni Chinese President Xi Ji Ping ang pag-activate sa emergency response mechanism at ang pagpapadala ng karagdagang rescue forces sa pinaglubugan ng barko.


Nakatutok na rin ang Philippine Coast Guard (PCG) sa isinasagawang search and rescue operations matapos itong alertuhin ng Australia.

Nabatid na nagpapatuloy ang paghahanap sa mga nawawalang tripulante bagama’t masama ang panahon sa pinaglubugan ng Lu Peng Yuan Yu 028 (LPY28).

Facebook Comments